MAGPATUTUPAD ang North Luzon Expressway (NLEX) ng panibagong dagdag toll rates ngayong linggo.
Ito’y kasunod ng pag-apruba ng Toll Regulatory Board (TRB) sa toll rate adjustment ng NLEX.
Sa abiso ng NLEX, magkakaroon ng dagdag na P7.00 sa open system habang P0.36 per kilometer naman sa closed system.
Sa ilalim ng bagong toll fee matrix, lahat ng motorista na bibiyahe sa open system o mula sa Metro Manila papuntang Navotas, Valenzuela, at Caloocan hanggang Marilao, Bulacan ay may additional na P7 para sa Class 1 vehicle, P17 sa Class 2 at 19 sa Class 3.
Para naman sa close system mula Bocaue, Bulacan hanggang Sta. Ines, Mabalacat City, Pampanga, at Subic-Tipo, P33 ang dagdag sa Class 1, P18 sa Class 2 at P98 ang Class 3.
Ang panibagong toll rate ay magiging epektibo simula sa Hunyo 15, 2023.