50 tonelada ng pagkain, medisina, tulong ng UAE sa mga apektado ng Bulkang Mayon

50 tonelada ng pagkain, medisina, tulong ng UAE sa mga apektado ng Bulkang Mayon

NASA kabuuang 50 tonelada ng mga pagkain at supply ng gamot ang ipinaabot na tulong ng gobyerno ng United Arab Emirates (UAE) para sa pamilya ng mga naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division, 5:44 ng umaga ng Lunes nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang Emirates Airlines Flight EY 9871 lulan ang donasyon ng UAE.

Pormal namang tinanggap nina Department of Transportation (DOTr) secretary Jaime Bautista at mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga naturang donasyon bago ito lumipad patungong Bicol International Airport.

Ibinalik naman ng Pilipinas ang pasasalamat sa UAE government ang tulong para sa mga residenteng apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon matapos itinaas sa Alert Level 3 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) dahil sa patuloy na aktibidad ng bulkan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter