NNIC, may abiso sa mga pasahero sa NAIA ngayong ASEAN Summit

NNIC, may abiso sa mga pasahero sa NAIA ngayong ASEAN Summit

Pinayuhan ang mga pasaherong bibiyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Nobyembre 13 hanggang 18 na maglaan ng mas mahabang oras sa kanilang biyahe. Ito ay dahil sa pinaigting na security measures at pansamantalang paghahigpit sa trapiko kaugnay ng ASEAN Summit 2026.

Ayon sa New NAIA Infrastructure Corporation, posibleng maapektuhan ang flight schedules at biyahe ng mga pasahero dahil sa mga ipatutupad na security measures at traffic restrictions sa panahon ng summit.

Pinapayuhan ang mga pasahero na tingnan muna ang kanilang flight status sa airline bago umalis ng bahay.

May ilang airline na kasing nag-anunsiyo na ng kanselasyon ng flights, at posible pang magkaroon ng karagdagang pagbabago sa kanilang mga iskedyul.

Kung maaapektuhan ang kanilang flight, pinapayuhan silang direktang makipag-ugnayan sa airline para sa rebooking, refund, o iba pang available na opsiyon.

Pinapayuhan din ang mga motorista at pasahero na maglaan ng dagdag na oras sa pagpunta at pag-alis sa paliparan dahil sa posibleng pagsasara ng ilang kalsada at paghihigpit sa daloy ng trapiko.

Samantala, pinapaalalahanan ang mga biyahero na sundin ang itinakdang check-in time ng kanilang airline at regular na subaybayan ang mga travel advisory mula sa opisyal na channels ng NAIA at kanilang airline.

Nakikipagtulungan naman ang NAIA sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, airlines, at security partners upang matiyak ang maayos na operasyon ng paliparan at mabawasan ang abalang maaaring maranasan ng mga pasahero sa panahon ng ASEAN Summit.

Follow SMNI NEWS in Twitter