NTF-ELCAC, hindi na dapat pag-aralan – Task Force spox

NTF-ELCAC, hindi na dapat pag-aralan – Task Force spox

BINIGYANG-diin ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson for Legal Affairs Prosecutor Flosemer Chris Gonzales na mali ang sabihing kailangan pang pag-aralan ang NTF-ELCAC.

Ito ang sinabi ni Prosecutor Gonzales sa panayam ng SMNI News.

Ipinunto pa ni Prosecutor Gonzales na ang mga researcher na ipinapasok ngayon sa gobyerno para magsaliksik hinggil sa NTF-ELCAC ay walang karanasan sa ground.

Ayon kay Gonzales, malaking kawalan sa mamamayan kung hindi ipagpapatuloy ng kasalukuyang administrasyon ang NTF-ELCAC.

Sinabi pa nito na dahil sa task force ay malaki na ang nabawas sa pwersa ng teroristang grupo na Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Samantala, ayon naman kay Assistant Solicitor General Justice Angelita Miranda, nagtagumpay na ang NTF-ELCAC na ipakilala at ihayag sa publiko ang kadiliman at propagandang dala ng CPP-NPA-NDF.

Isa sa naging instrumento sa paglahad ng kasinungalingan ng CPP ay ang testimonya ng mga dating kadre na ngayon ay nagbalik na sa pamahalaan.

Kung kaya’t dahil dito, panawagan niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pamamagitan ng isang liham, sanay pangunahan nito ang kampanya kontra insurhensya na nasimulan na ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamamagitan ng NTF-ELCAC.

Follow SMNI NEWS in Twitter