Nagsampa ang Office of the Ombudsman ng 14 kasong graft laban kay Uswag Ilonggo party-list Representative James “Jojo” Ang Jr. sa Sandiganbayan.
Ayon sa Ombudsman, may umano’y pinansiyal na interes si Ang sa isang construction firm na nakakuha ng mahigit ₱214 milyong kontrata mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) habang siya ay kongresista.
Kasama ring kinasuhan ng graft at malversation ang dating Sultan Kudarat Representative Arnulfo Go at tatlo pang indibidwal.
Samantala, iginiit ni Ang na malinis ang kaniyang konsensiya at wala siyang ginawang anumang paglabag kaugnay ng mga paratang laban sa kaniya. Sinabi rin niyang handa siyang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kaniya at patunayan ang kaniyang panig sa tamang hukuman.
