ONE Tree, One Nation”, layuning maipakita sa buong mundo na ‘di pa huli upang iligtas ang kalikasan mula sa mga kalamidad. Isang inisyatiba ni Pastor Pastor Apollo C. Quiboloy.
Pagmamahal sa Diyos at sa bayan ang nagbunsod kay Pastor Apollo C. Quiboloy, Executive Pastor ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), upang pangalagaan ang kalikasan.
Taong 2005 nang itinatag ni Pastor Apollo ang Sonshine Philippines Movement (SPM), isa ito sa inisyatiba ng Butihing Pastor upang matutukan ang pangangalaga sa kalikasan kagaya ng pagtatanim ng mga puno.
Sa pamamagitan ng SPM, hinimok ni Pastor Apollo, hindi lang ang kaniyang kongregasyon kundi maging ang iba’t ibang grupo at sektor ng lipunan na matutong magtanim ng mga puno lalong-lalo na ang pamahalaan upang maibalik muli ang ganda ng nasirang kagubatan.
Nitong Nobiyembre 16, 2024, nagsagawa ng isang malawakang tree planting ang SPM, kasama ang KOJC at iba pang mga organisasyon.
Nakiisa sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang grupo at sektor mula sa pamahalaan, military, mga pulis, BFP, mga kabataan, at marami pang iba.
Ito ang “Isang Puno, Isang Bayan or One Tree, One Nation”, Nationwide Tree Planting Activity, layunin nitong maipakita sa buong mundo na hindi pa huli upang iligtas ang kalikasan mula sa hagupit ng mga kalamidad.
Ang sunud-sunod na bagyo na dumarating sa bansa ay nagdulot ng matinding pagbaha, dahil dito maraming ari-arian ang nasira at maraming buhay ang naapektuhan.
Naniniwala si Pastor Apollo na ang pagtatanim ng mga puno ay isang natural na paraan upang maiwasan ang mga pagbaha dulot ng bagyo.
Naging daan din ang malawakang aktibidad na ito upang maipakita ng bawat Pilipino ang pagmamahal nila sa kalikasan.
Naiparamdam ng bawat isa ang pagnanais ng pagbabago sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno, at dahil dito naipaikita rin ang tunay na diwa ng pagkakaisa.
Layunin din ng Isang Puno, Isang Bayan na maibalik at mapanatili ang mga luntiang tanawin ng bansang Pilipinas.
Sa inisyatibang ito ni Pastor Apollo, pinagbubuklod niya ang mga makabayan at mga Pilipinong may malasakit sa kalikasan. Binibigyan niya ng pagkakataon ang mga mamamayan na aktibong makilahok sa pagtatanim ng mga puno o reforestation.
Tinuruan ng Butihing Pastor, ang bawat Pilipino na magkaroon ng malasakit at makialam upang mabigyan ng solusyon ang problema sa baha ng ating bansa.
Hindi maikakaila ninuman na nang dahil sa pagmamahal ni Pastor Apollo sa bansa, naitaguyod niya ang sama-samang pananagutan at pagkakaisa sa pagprotekta at pagpapayaman ng ating kalikasan, hindi lang para ngayon kundi higit sa lahat para sa mga susunod pa na henerasyon.