JAM-packed ang mga tao sa Marikina City Sports Complex para sa pa-concert ng city government ngayong Araw ng mga Puso.
Hindi lang basta concert dahil OPM artists ang manghaharana sa mga kababayan natin sa siyudad.
Tinawag ng city government na ‘‘Love Rewind: Pag-ibig na babalik-balikan’’ ang event, tampok ang mga natitirang miyembro ng Apo Hiking Society na sina Jim Paredes at Boboy Garovillo at ang OPM icon na si Rey Valera.
Ayon kina City Mayor Marcy Teodoro at Congresswoman Maan Teodoro, para sa mga lolo’t lola ang OPM Concert.
Puwede ring mag-join ang lahat ng pamilya pati na ‘yung mga walang valentino at valentina.
Family event ang Marikina Concert at sadyang ginawa para makapag-enjoy naman ang mga taga-siyudad ngayong Araw ng mga Puso.
Imbitado ang lahat sa concert, walang bayad at puwede ang walk-ins.