BILANG bahagi ng selebrasyon ng ika-89 na Anniversary ng Office of the Vice President (OVP), matagumpay na naisagawa ang Thanksgiving Activity para sa mga Transport Network Vehicle Service (TNVS) riders noong Disyembre 20, 2024, sa OVP Disaster Operations Center, sa Quezon City.
Umabot sa 1,000 gift packs ang naipamahagi sa mga riders mula sa Angkas, Joyrider, at iba pang transport companies bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at serbisyo sa araw-araw na biyahe ng mga Pilipino.
Ang OVP ay nagpapasalamat sa lahat ng naging katuwang sa aktibidad na ito, na patuloy na naglalayong magbigay ng malasakit at suporta sa mga manggagawa sa transport sector.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.