NAGKITA sa Malacañang nitong Linggo ng gabi ang dalawa sa malalaking magkaribal sa nagdaang eleksiyon.
Sa larawan na ipinost ni Presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, makikitang magkatabi ng upuan sina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at dating Senator Manny Pacquiao.
Dumalo sila sa pa-concert sa Malacañang Grounds para bigyang-pugay ang mga atleta ng bansa.
Kung matatandaan, hinamon noon ni Pacquiao si Pangulong Marcos ng one on one sa debate dahil ayaw ng noo’y presidential frontrunner na dumalo sa mga pa debate ng Commission on Elections (COMELEC) at mga TV network.
Sa lahat ng paanyaya, tanging sa Presidential Debate at Forum na sponsored ng SMNI dumalo noon si Pangulong Marcos.