Pacquiao at Robredo, hindi sang-ayon sa divorce

Pacquiao at Robredo, hindi sang-ayon sa divorce

HINDI sang-ayon sa divorce ang mga presidential candidates na sina Vice President Leni Robredo at Senator Manny Pacquiao.

Ayon sa dalawang kandidato, hahanap sila ng ibang paraan para matulungan ang mga may abusive marriage.

Ito ang inihayag ng dalawang kandidato sa CNN Presidential Debate.

Saad ni Robredo, dapat bigyan ang mga kababaihan ng oportunidad na kumita upang magkaroon sila ng kakayanan na maghanap ng legal recourse kung hindi naging maganda ang pagsasama ng dalawang mag-asawa.

Ani Robredo, hindi kaya ng mga mahihirap ang legal options para wakasan ang abusive marriages dahil ayon sa Article 36 ng Family Code, kailangan pa ng psychological examination para maka-avail ng annulment of marriage at declaration of the nullity of marriage.

Naniniwala naman si Pacquiao na ang kasal ay isang commitment na ginagawa sa harap ng Diyos kaya dapat ito ay pahalagahan.

Follow SMNI NEWS on Twitter