HINDI sang-ayon si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa pagbabawal ng mga fraternity.
Ayon sa senador, kailangan lang aniya na magkaroon ng karagdagang panuntunan para mabantayan ang bawat estudyante na hindi mabiktima ng hazing.
Kalangan din aniya na maging mahigpit ang mga school administration sa pagbabantay sa kanilang mga estudyante.
Giit ni Dela Rosa, hindi maaaring payagan ang hazing dahil buhay ang nakataya.
Matatandaan na kamakailan lang ay namatay ang isang 24-anyos na Chemical Engineering student ng Adamson University na kinilalang si John Matthew Salilig matapos magtamo ng 70 palo mula sa initiation rites ng Tau Gamma Phi Fraternity.