Pag-imbentaryo sa mga cold storage facility, dapat gawin bago mag-angkat ng sibuyas—AGAP

Pag-imbentaryo sa mga cold storage facility, dapat gawin bago mag-angkat ng sibuyas—AGAP

KASUNOD ng napipintong kakulangan ng suplay at pagtaas ng presyo ng sibuyas sa merkado, plano ngayon ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng nasa 22,000 metriko toneladang pula at puting sibuyas.

Bagay na hindi tinutulan ng isang grupo ng magsasaka basta hindi ito makaaapekto sa mga local farmer.

Dagdag pa ni AGAP Party-list Rep. Nick Briones at vice chairperson ng House Committee on Agriculture and Food, mas magandang magsagawa ng imbentaryo sa mga cold storage facility upang hindi sumobra ang aangkating sibuyas.

Kaugnay nito, isinusulong naman nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang panukalang batas na magbibigay ng mas mataas na parusa sa mga nasa likod ng hoarding at cartel sa mga agri products.

Maliban dito, kanila rin aniyang ipinanukala ang pagbuo ng task force at special court na maglilitis sa kaso na may kaugnayan dito.

Samantala, umaasa naman ito na magiging government-to-government ang pag-aangkat ng agri products upang hindi tumaas ang presyo nito sa merkado.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter