PagbaBAGo bags para sa 792 Aeta learners sa Botolan, Zambales

PagbaBAGo bags para sa 792 Aeta learners sa Botolan, Zambales

UMABOT sa 792 Aeta learners mula sa Botolan, Zambales ang nakatanggap ng PagbaBAGo bags noong Disyembre 4-6, 2024.

Bukod sa bagong backpacks, nakatanggap din sila ng bagong school supplies, dental kits, at raincoat.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng programa ng Office of the Vice President (OVP) na PagbaBAGo: A Million Learners Campaign na may layuning isulong ang kahalagahan ng edukasyon at hikayatin ang mga kabataang Pilipino na tapusin ang kanilang pag-aaral.

Ang mga nasabing beneficiaries ay mga mag-aaral mula sa iba’t ibang public schools ng Poonbato Integrated School, Burgos Integrated School, Villar Integrated School, Moraza Integrated School, at Belbel Integrated School.

Taos-pusong nagpapasalamat ang OVP sa tulong ng LGU Botolan at kay Kenneth Aninzo na siyang nag-request para sa identified beneficiaries.

Patuloy ang pakikiisa ng OVP sa mga hakbang na nagsusulong ng magandang kinabukasan sa mga kabataang Pilipino!

 

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Office of the Vice President of the Philippines Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble