IPINAGBAWAL na ng lungsod ng Valenzuela ang pagbebenta at pagbili ng alak.
Sa ilalim ng Ordinance No. 865 Series of 2021 na ipinasa noong Marso 15, ang pagbenta, pagbili, pagdeliver at pagkonsumo ng alak ay ipinagbabawal na.
Ito ay naging epektibo mula kahapon Marso 16 hanggang 11:59 ng gabi sa Abril 1.
Ang mga establisyamento na lalabag dito ay mapapatawan ng P10,000 multa at suspension ng business permit sa unang pagkakataon, P20,000 naman ang multa sa pangalawa, at P30,000 sa pangatlong pagkakataon.
Samantala, ang mga indibidwal naman na mahuhuli ay magmumulta ng P2,000 sa unang pagkakataon ng pagkakahuli, P3,000 naman sa pangalawa habang P5,000 naman sa pangatlong pagkakataon.
Isinagawa ang hakbang na ito upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.