Pagdiriwang ng Father’s Day ni PRRD, makasaysayan; PBBM, binati sa pagiging mahusay na ama sa mga anak

Pagdiriwang ng Father’s Day ni PRRD, makasaysayan; PBBM, binati sa pagiging mahusay na ama sa mga anak

ISANG makasaysayan kung maituturing ang pagdiriwang ng bansa sa Father’s Day noong Linggo.

Ito ay dahil nataon na ang outgoing at incoming na ama ng Pilipinas ay magkasamang ipinagdiriwang ito sa Davao City kasabay ng inagurasyon ni Inday Sara Duterte bilang ika-15 Vice President ng bansa.

Halos lahat ng tatay sa bansa ay nakatanggap ng mga pagbati noong Linggo bilang pagdiriwang sa Father’s Day.

Kanya-kanyang post sa social media ang ginawa ng halos lahat ng mga Pinoy bilang tribute sa kanilang mga ama, buhay man ito o nasa kabilang buhay na.

Mula sa mga pangkaraniwang mamamayan hanggang sa iba’t ibang personalidad ay mayroon talagang pagbati sa kanilang mga ama.

Isang nakakabagbag damdamin din na pasasalamat at pagbati ang ibinigay ng mga Pilipino sa Ama ng Pilipinas na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na tinawag ng nakararami bilang si Tatay Digong.

Ito ay dahil na rin sa inagurasyon ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte bilang ika-15 Vice President ng Pilipinas.

Nataon kasi ang Father’s Day ang naturang inagurasyon ng presidential daughter na maituturing na napaka-makasaysayan dahil bukod sa ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng inagurasyon sa Davao, ay kumpleto pa ang pamilya nito sa mismong araw ng mga Ama.

Napakagandang regalo para kay Tatay Digong sa Father’s Day!

Bukod kay Pangulong Duterte, dumalo rin sa naturang pagtitipon ang incoming na Pangulo na bansa na si President-elect Bongbong Marcos.

Labis na ikinatuwa ito ng marami dahil nakitang magkasama ang outgoing at incoming president sa iisang entablado kasama ni VP Inday Sara.

Pinaniniwalaan itong senyales ng magandang kinabukasan ng bansa sa ilalim ng susunod na administrasyon.

Samantala, nagpaabot din ng kanilang pagbati para sa kanilang amang si incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang kanyang 3 anak na lalaki.

Sa vlog ni BBM nagtake over sina Sandro, Simon at Vinny para batiin ang kanilang ama ng Father’s Day na sinabayan ng pagkukwento kung ano ang kanilang inspirasyon at aral na nakukuha at itinuturo ng kanilang ‘Pops’ na si BBM.

Mula kay Sandro, ang best advice na ibinigay ni BBM sa kanya ay ‘Bawal ang Pikon’ kasi pag pikon ka, talo ka.

Habang kay Simon naman ang nakikitang magandang halimbawa mula kay BBM ay ang pagiging objective nito sa lahat ng bagay.

Para naman sa bunsong si Vinny, natutunan nito mula kay BBM ang ‘Never hate anyone’ at magpatuloy lang na gawin ang iyong pinaka the best.

Bumuhos naman ng pagbati mula sa mga netizen ang naturang vlog para kay incoming President Bongbong dahil sa mahusay na pagpapalaki nito sa kanyang mga anak at bilang nag-iisang ‘Pops’ ng bansang Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter