UN, nananawagan na palayain ang negosyanteng Briton na nakakulong sa Dubai mula 2008

UN, nananawagan na palayain ang negosyanteng Briton na nakakulong sa Dubai mula 2008

NANAWAGAN ang mga opisyal ng United Nations (UN) sa United Arab Emirates (UAE) na palayain na ang negosyanteng Briton na nakakulong sa Dubai ng higit 14 na taon.

Ang working group ng United Nations sa arbitrary detention ay nagpasiya na si Ryan Cornelius ay hinuli nang naaayon sa personal na rason sa UAE noong 2008 nang siya ay arestuhin sa Dubai International Airport.

Ayon pa sa mga ito, nagkaroon na siya ng tuberculosis habang nakakulong.

Sinabi ng mga abogado ng 68-anyos na siya ay sumailalim sa ilang mga paglabag sa karapatang pantao, kabilang ang mga agresibong interogasyon nang walang legal na representasyon, bago sinampahan ng pandaraya noong 2010 at sinentensiyahan ng 10 taon sa bilangguan.

Matatandaan na 2 buwan bago ang petsa ng kanyang paglaya noong Marso 2018, pinatawan siya ng karagdagang sentensya na 20 taon batay sa batas ng UAE na inilabas pagkatapos ng kanyang unang sentensiya.

Kinondena ng UN working group ang mga pangunahing paglabag sa mga karapatan na ginawa ng mga otoridad ng UAE kay Cornelius at nananawagan para sa kanyang agarang paglaya, kung saan kinakailangan umano na may bayad ang reparasyon para sa kanyang pagdurusa, alinsunod sa internasyonal na batas.

Follow SMNI NEWS in Twitter