ISINUSULONG ng tumatakbong senador na si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdomof Jesus Christ na paigtingin ang mga regulasyon para mapalakas ang paggamit ng renewable energy tulad ng solar, wind, hydroelectric power at iba pa.
Bilang tugon, nais palawakin ni butihing Pastor ang pagbibigay ng mga insentibo tulad ng ‘tax incentives’ sa mga kumpanya at indibidwal na mamumuhunan sa renewable energy projects.
Sa pamamagitan nito, matutulungan ang mga kumpanya na makapagbigay ng pangmatagalang serbisyo sa paggamit ng renewable energy na makatutulong din sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.
Layunin din nitong gawing mas mabilis at maayos ang proseso ng pag-apruba ng mga permit upang hikayatin ang mga investors.
“Proposal ni pastor enhance tax encentives for renewable energy product for example may investors willing siya mag invest its either hydro-electric power ba yan, geotermal ba yan wind ba yan, solar energy ba yan or anong renewable energy ba na kaya niyang i-invest depende kung sa local community anong best doon noh syempre pag maraming tubig malaking dam merong ganong reservoir na kahit pang Geo thermal siya kasi common din yan sa Pilipinas,’’ ayon kay Atty. Kaye Laurente
‘’So pag may investors na willing siya “ok gusto kung mag invest na para doon lang tayo sa renewable energy lang ang gagamitin sa bansa” at saka maging sustanaible talaga tsaka wala ng brownout and everything ang ibibigay talaga ng benefit ng gobyerno para sa mga investors na katulad nito ay yung tax incentives and subsidies,” ani Atty. Laurente.
Ang “tax incentives” ay makatutulong din sa mga kumpanya para sa pagsasagawa ng mga trainings at pag-iinvest sa research and development.
Ito ay upang mas marami pang trabaho at opportunidad ang maibibigay sa bawat manggagawang Pilpino.
Aniya, mahalaga itong matutukan upang mapagaan ang presyo ng kuryente sa bansa.
“Maganda din po sabi ni Pastor na meron ding partnership with stakeholders wherein we will engage private sectors with the international investors, para talaga ma foster yung collaboration in investments renewable energy,” saad nito.
Ito ay isa lamang sa mga programa ni Pastor Apollo na tutugon sa climate change, at makatutulong upang mapanatili ang paglago ng ekonomiya sa bansa.
Maging sa Kingdom of Jesus Chris, naging proyekto din ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang independent at self-reliant pagdating sa paggamit ng enerhiya. Kaya naman, napakahalagang proyekto ito sa kanya para mas mapalakas pa ang renewable energy sa bansa.