Paggamit ng Staysafe application, mandatory na sa PUVs — LTFRB

Paggamit ng Staysafe application, mandatory na sa PUVs — LTFRB

REQUIRED na ang PUVs (Public Utility Vehicle) passengers na gumamit ng Staysafe.ph application ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Batay sa Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution No. 87, required ang mga public transportation unit na mag-secure ng safety seal.

Kaya naman obligado ang adoption ng Staysafe application sa mga PUV.

Ang Staysafe application ay ang primary contact tracing tool ng pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

I-ACT tutol sa karagdagang kapasidad ng pasahero sa pampublikong sasakyan

Samantala, hindi sang-ayon ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa plano ng Department of Transportation (DOTr) na dagdagan ang kapasidad ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan.

Binigyang diin ni Reynante Sagragao, team leader ng I-Act Special Unit Bravo na hindi pa panahon para dagdagan ang mga pasaherong maaaring sumakay sa mga Public Utility Vehicle (PUV) tulad ng mga bus.

Una ng sinabi ni DOTr Secretary Arthur Secretary na ihihirit nila sa Inter-Agency Task Force dagdag na 5 hanggang 10 porsiyentong kapasidad sa mga PUV.

Naungkat ang padaragdag ng kapasidad ng mga pasahero sa mga PUV bunsod na rin ng muling pagbubukas ng mas maraming mga negosyo at lugar ng trabaho.

(BASAHIN: Publiko, hinikayat ng pamahalaan na gamitin ang StaySafe PH contact-tracing platform)

SMNI NEWS