MAGKASAMA at kapwa lumagda sa Memorandum of Agreement ang Department of Justice (DOJ) at Philippine Association of Law Schools (PALS) na naglalayon na palawakin ang pag-abot sa legal services.
Bilang pangulo ay si San Sebastian College of Law President Teodoro Pastrana ang kumatawan sa PALS kasama ang iba pang mga opisyal habang si Justice Secretary Crispin Remulla naman para sa panig ng DOJ.
Nakasaad sa MOA na ang DOJ Action Center (DOJAC) ang mangangasiwa o mag-eendorso sa mga law school ng mga taong hindi maituturing na “indigents” o mahihirap at diskwalipikado na makakuha ng libreng serbisyo sa Public Attorney’s Office ng dahil sa umiiral na mga panuntunan at regulasyon.
Sumang-ayon naman ang PALS na tumanggap ng mga would agree to accept endorsements mula sa DOJAC pero kung sakaling hindi ito maa-accommodate ay ineendorso na lang ito sa Integrated Bar of the Philippines na siyang magkakaloob ng legal service.
Magkakaroon ng bisa ang naturang MOA simula nang ito ay nilagdaan at mababalewala o magtatapos kapag napagtibay sa pamamagitan ng mutual agreement ng DOJAC at PALS na kailangang dumaan sa anim na buwan na pag-review simula nang ipinatupad.