Pagkilala kay Pastor Apollo C. Quiboloy bilang “Datu Tud Labun” pinasinayaan ng B’laan community sa Kitbog, Sarangani Province

Pagkilala kay Pastor Apollo C. Quiboloy bilang “Datu Tud Labun” pinasinayaan ng B’laan community sa Kitbog, Sarangani Province

MATAPOS ipagdiwang ang unang taong anibersaryo sa pagpapasinaya kay Pastor Apollo C. Quiboloy bilang Datu Pamulingan, ngayon ay isa na namang makabuluhang selebrasyon ang naganap matapos na kilalanin si Pastor Apollo bilang “Datu Tud Labun” ng B’laan community sa Kitbog.

Matatandaan na may mahalagang papel ang Kitbog sa pagsisimula ng ministerio ni Pastor Apollo noong dekada sitenta kung saan siya ay nanirahan dito kasama ang mga nitibong B’laan.

‘’We are the real natives of Kitbog the Pangilan family. Pastor arrived here in 1974, I was still young at that time, but I know him because when Pastor rode the horse, we children will also walk going to him,’’ saad ni Elena Pangilan.

Ayon naman kay Indigenous Peoples’ Mandatory Representative (IPMR) President ng Region XII na si Datu Edmond Pangilan, ang pangalang Tud Labun ay mula sa salitang Tud na ang ibig sabihin ay haligi o tulay.

Samantalang ang Labun ay ulap o kalangitan at kapag pinagsama ito ay mangangahulugang access to heaven o daan patunong langit o mediator between heaven and earth o tagapamagitan sa pagitan ng langit at lupa.

“On behalf of the tribe, we made this clothing for you Pastor. I have reserved a name for you, which I might give to you today. The name was given to you in Davao (City) is (Datu) Pamulingan, I prayed and asked for guidance, and I saw a name that was written that fits Pastor, and it is Datu Tud Labon. Labon means ‘sky’ while Tud means ‘pillar’ or ‘support’. This means that Pastor is a support in the sky, a bridge that connects us to the heavens. Tud Labon is a mediator, he can be the way going up. So, that is Datu Tud Labon, and no one can go there without the Tud because it is too high. Human beings cannot reach there without something like a stick that can help them reach it. We cannot reach or go through without Tud directly, that’s why we need Tud Labon,” ani Datu Edmond Pangilan.

“We are happy that we now have access there through Pastor. The village now has a way to access it, and the B’laan Tribe is happy because we now have a road to get there. We now have access to the way going there. Pastor thank you,” saad nito.

Anila ang pagkilala kay Pastor Apollo C. Quiboloy bilang Datu Tud Labun ay daan o daungan ng tribu patungo sa Maykapal.

Dagdag pa ni Datu Pangilan na maka ilang beses niyang ipinanalangin ang naipagkaloob ng tribu kay Pastor Apollo.

Sa ginanap na tribal ceremony, ay pinagkalooban ng B’laan natives si Pastor Apollo ng isang sagradong kasuotan at mga palamuti o ornaments bilang simbolo ng pagtanggap o pag-adopt sa kaniya ng komunidad na naayon din sa kaniyang pangalan bilang Datu Tud Labun.

Ipinaliwanag naman Pastor Apollo ang kahulugan at kahalagahan ng naturang seremonya na bagama’t simple lamang ito ay mayroon namang mahalagang papel at malalim na kahulugan para sa lugar at sa tribu ng mga B’laan.

Simula nung 2017 nang bumalik si Pastor Apollo sa lugar na ito ng Southern Mindanao, ay patuloy na ang pangunguna nito sa pagpauunlad, pagpabubuti ng buhay at pakikipaglaban sa karapatan ng ating mga kababayang katutubo ‘di lamang sa Kitbog kundi sa lahat ng panig ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter