PINASALAMATAN ni Senador Bong Go ang kanyang mga kapwa senador sa pag-apruba sa panukala na layuning kilalanin ang Davao City bilang cacao and chocolate capital ng Pilipinas.
Marso 8 nang aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang Senate Bill No. 1741 kung saan co-author si Go.
Ayon kay Go, magsisilbing inspirasyon ito sa mga cacao producers at farmers na patuloy na magsikap upang mapalago ang industriya na ito na hindi lamang nagbibigay ng karangalan sa Davao, maging sa buong bansa
Bukod sa SBN 1741, suportado rin ni Go ang SBN 899 na layong bumuo ng isang Cacao Research and Development Center.
Umaasa si Go na ang panukalang batas ay makatutulong sa cacao farmers sa bansa at mapadali ang pag-unlad at lumago pa ang cacao industry.
Hinimok ng senador ang gobyerno na samantalahin ang tumataas na global demand sa cacao para gawin ang Pilipinas na isa sa top producers ng quality cacao sa buong mundo.
Hinikayat din nito ang Department of Agriculture (DA) na tuparin ang pangako na maka-produce ng 100,000 metric tons ng cacao beans sa 2021 na maglalagay sa Pilipinas bilang key regional player sa global cacao industry.
Matatandaan na nagpahayag din ng pagsuporta si Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa, isa ring co-author na nasabing panukala, sa hakbang na kilalanin ang Davao City bilang chocolate at cacao capital ng bansa.