Paglaban sa katiwalian at pag-ahon ng ekonomiya, kabilang sa dahilan na nalampasan ng BOC ang 2022 target collection

Paglaban sa katiwalian at pag-ahon ng ekonomiya, kabilang sa dahilan na nalampasan ng BOC ang 2022 target collection

NALAMPASAN ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang target revenue collection para sa 2022.

Ayon kay BOC Spokesperson at Customs Operations Chief Arnaldo dela Torre Jr., nalampasan ng BOC ang target collection noong nakaraang taon bunga ng pinagsamang pagsisikap.

Partikular ang collective effort ng 17 collection district na malampasan ang kanilang targets para sa buong taon.

Bukod dito, nakatutulong din ang pinaigting na paglaban sa katiwalian sa pamamagitan ng patuloy na modernisasyon – ang tinatawag na digitalization ng mga kagamitan at proseso sa ahensiya.

Dagdag pa ni Dela Torre, lubos na nakatulong din ang pag-ahon ng ekonomiya na nagresulta sa mas mataas na volume ng importation sa bansa.

“And iyon pong agenda rin po, iyong reform program na pinapatupad ng ating commissioner na to stop smuggling partikular po ang agricultural smuggling, iyong illegal drugs na kampanya po, iyon pong pagpapaigting ng law enforcement po natin ay sumusunod po iyong pagtalima at pagbabayad ng buwis ng ating mga stakeholders kaya po nakuha natin iyong collection target,” ayon kay Arnaldo dela Torre, Jr., Spokesperson & Customs Operations Chief.

Noong November 2022, nalampasan ng BOC ang full-year 2022 target na P721.52-B.

Tumaas ito ng P23.98-B o 3.27% dahil nakolekta ito ng P745.50-B.

 

BOC, tiwala na malalampasan muli ang target revenue collection ngayong 2023

Samantala, kumpiyansa naman ang BOC na malalampasan din nito ang target collection ngayong 2023.

Saad ni Dela Torre, ang itinalagang target ng Development Budget Coordinating Committee sa BOC ngayong taon ay mahigit 9 bilyon o P901,337,000,000.00.

Naniniwala ang BOC na malalampasan muli ito sa parehong kadahilanan at sa mga nakalatag pang mga priority projects o improvements tungo sa mas modernisado at makabagong BOC.

 “Mayroon na po tayong mga na-implement na pagbabago at ito po ay pinagsisikapan ng Bureau of Customs in coordination and partnership with other government agencies, particular po iyong mga regulatory agencies. Naniniwala ho tayo na iyong revenue collection target for year 2023 ay makukuha at sana ay malagpasan pa po,” saad ni Dela Torre.

 

Follow SMNI News on Twitter