Paglilimita sa international arrivals sa kalagitnaan ng COVID-19, kinuwestyon

KINUWESTYON ng ilang senador ang bagong polisiya ng pamahalaan ng Pilipinas na limitahan sa 1,500 ang daily number ng arrivals ng international passengers bilang hakbang upang mapigilan ang pagtaas ng bilang ng COVID-19.

Sa kalagitnaan ng Senate Labor Committee, kinuwestiyon ng senador opisyal ng pamahalaan tungkol sa memorandum na inisyu ng National Task Force Against COVID-19 na nagsususpinde sa pagpasok ng mga foreign nationals at returning overseas Filipinos maliban sa mga OFWs sa bansa simula Marso hanggang Abril 19.

Bukod dito, nagbigay din ng direktiba ang NTF sa mga concerned agencies na limitahan ang bilang ng inbound international passengers sa 1,500 lamang kada araw.

Ayon kay Panel Chair Senator Joel Villaneva, dapat na linawin kung ang 1,500 na pasahero ba kada araw ay para sa lahat ng paliparan sa bansa o tanging sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lamang kung saan sinabi naman ni Foreign Affairs Assistant Secretary Enrique na ang 1,500 passenger limits ay para sa NAIA lamang.

Sagot naman ni Villanueva kung ang cap ay ipinapatupad lamang sa isang partikular na paliparan, ang mga returning Filipinos ay maaari lamang pumili ng ibang airport upang makabalik ng bansa.

(BASAHIN: International inbound arrivals sa NAIA, lilimitahan sa 1,500 simula bukas)

SMNI NEWS