NAKABAWI ang ekonomiya ng Pilipinas sa ikalawang quarter ngayong taon at nagrehistro ng pinakamataas na paglago na hindi pa nakikita sa loob ng tatlong dekada ayon sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes.
Tumaas ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas ng 11.8% sa pangalawang kwarter ng taong 2021.
Ayon sa PSA ito ang pinakamataas mula noong ika-apat na kwarter ng 1988 kung kailan lumago ang ekonomiya ng hanggang 12%.
“The second quarter of 2021 GDP is P488.83 billion and P370.35 billion higher than the second quarter 2020 and first quarter,” pahayag ni Usec. Dennis S. Mapa, National Statistician.
Sa isang joint statement na binasa ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick T. Chua, iniugnay ng economic team ang pagbawi ng GDP ng Pilipinas sa polisiya ng pamahalaan na luwagan ang mobility restrictions sa sektor ng produksyon tulad ng konstruksyon sa panahon ng Enhanced Community Quarantine noong Marso at Abril.
Ayon kay Chua, ang public construction ay tumaas ng 49.7% habang ang private construction ay lumago ng 19.1%.
Kung ipagsama ang dalawa, ang sektor ng konstruksyon ay umakayat ng 25.7%, ito na ang pinakamataas mula noong ikawalang kwarter ng taong 2010 kung kailan ang paglago ay umabot ng hanggang 26.6%.
Dagdag ni Chua, tumaas rin ang household spending ng 7.2% matapos makapagtrabaho at makabawi muli sa hanapbuhay ang milyon-milyong residente ng bansa sa unang kalahati ng taon.
Malaki rin aniya ang naging pagrekober ng foreign trades na may import at export na tumaas ng hanggang 37.8% at 27%.
Saad ng socioeconomic planning secretary ang naturang mataas na rebound ay sumasalamin sa pagtaas ng domestic demand at pagbawi ng mga trading partner ng Pilipinas.
“In summary, almost all sectors bounced back despite the imposition of the ECQ and the MECQ last April and May 2021. This is a clear indication that managing risks, instead of shutting down large segments of the economy, stands a far better chance of improving both economic and health outcomes,” ayon kay Chua.
Ayon sa PSA ang mga pangunahing nag-ambag sa paglago ay construction na may 25.7% na pagtaas, ang manufacture na tumaas ng 22.3%, ang wholesale at retail trade, repair ng mga motor vehicle at motorskilo na may 5.4% na paglago.
Sa pangunahing sektor ng ekonomiya naman, may pagtaas ng 20.8% at 9.6% ang industry at services. ngunit ang agriculture, forestry at fishing ay bumaba ng -0.1% sa pangalawang quarter.
Ngunit saad ni Rizal Commercial Banking Corporation Chief Economist Michael Ricafort, mababa pa rin ang ekonomiya ng bansa kung ikukumpara noong panahon na wala pang pandemic.
Tinatarget ng mga economic manager na magkaroon ng 6% hanggang 7% na paglago ang ekonomiya ng Pilipinas.
Para maabot ito kanakailangang tumaas ng hindi baba sa 8% ang ekonomiya ng bansa sa mga susunod na kwarter ng taon.
BASAHIN: GDP ng bansa, lumago sa 11.8% noong second quarter ng 2021