MAHIGPIT pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island.
Ito’y dahil nakataas pa rin sa Alert Level 1 o low level of volcanic unrest ang Bulkang Taal.
Ito ay batay sa huling update ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), simula 5:00 ng hapon nitong Huwebes hanggang 5:00 ng umaga ngayong Biyernes.
Maging ang pamamalagi sa lawa ng Taal at lalo na sa main crater at Daang Kastila Fissure.
Naitala rin ang dalawang phreatic burst, 9 volcanic earthquake kabilang ang 5 volcanic tremor na may dalawang minutong haba.