Pagsuot ng face shield sa Palawan plebiscite, hindi mandatoryo —Comelec

HINDI mandatoryo ang pagsuot ng face shields ng mga botante sa gagawing plebisito sa Marso 13 para sa mungkahing hatiin ang probinsiya ng Palawan.

Sinabi ni Juan Gonzales, election officer ng Kalayaan, Palawan, ayaw nilang alisan ng karapatang bumoto ang mga tao lalo na sa mga malalayong lugar sa probinsiya.

“They are so many, let us say they are in the farthest islands. We know that Palawan is divided by islands. There is no supply of face shield in their areas, which might be the reason for them not to participate or the people from the mountains, or our native brothers, who cannot afford to buy rice. This is also for their equal rights,” pahayag ni Gonzales.

Aniya, hinikayat nila ang mga taong may kakayanan sa pagbili ng face shield na magsuot nito para sa kaligtasan ng ibang botante.

Gayunpaman, ang pagsuot ng face mask ay mandatoryo sa lahat ng mga botante.

“The wearing of face mask is mandatory whether they are poor or rich. Before entering the polling precinct or inside voting centers they have to wear their face masks on,” dagdag ni Gonzales.

“Let me reiterate that the wearing of face shield is not a requirement but the voters are encouraged to wear one for your own health security,”aniya pa.

Alinsunod sa Republic Act 11259, magsasagawa ang Palawan ng isang plebiscite sa susunod na buwan upang mapagpasyahan kung hahatiin ang probinsiya sa tatlo o hindi.

SMNI NEWS