Pagsusulong ng restructuring ng pulisya, pinasalamatan ng PNP Chief

Pagsusulong ng restructuring ng pulisya, pinasalamatan ng PNP Chief

IPINAABOT ni PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. ang kaniyang pasasalamat sa Kongreso at National Police Commission (NAPOLCOM) sa pagbibigay prayoridad sa restructuring at pagpapalakas ng pulisya.

Ito ay matapos aprubahan ng House Committee on Public Order and Safety ang panukalang amyenda sa RA 6975 o Local Government Act of 1990 at RA 8551 o PNP Reform and Reorganization Act of 1998 sa pamamagitan ng House Bill 8327.

Ayon kay Acorda, ang amyenda ay magbibigay daan upang epektibo nilang matugunan ang mga hamon sa pagpatutupad ng batas.

Kinikilala ng panukala ang pangangailangan ng pulisya na tugunan ang mga isyu tulad ng kidnapping, human trafficking, terorismo, cybercrimes, illegal drugs, at public safety concerns, kabilang ang epektibong humanitarian assistance at disaster response.

Gayundin ang umuusbong na banta at ang epekto ng globalisasyon at technological advancements.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter