TINATARGET ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr., na magiging “alternatibo” na lang ng mga Pilipino ang pagtatrabaho sa ibang bansa.
Alinsunod na rin ito sa kanyang pagsisikap na makagawa ng maraming trabaho ang gobyerno sa local market sa ilalim ng kaniyang governance brand na “Bagong Pilipinas”.
Maliban pa ito sa pagtitiyak ni PBBM na nakahanda ang Pilipinas na suportahan ang lahat na mga overseas filipino worker (OFW) na uuwi sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng livelihood at loan assistance program.
Mayroon na ring training programs para mapaunlad ang OFW skills.