Pamamahagi ng libreng school supplies at uniforms sa mga public school students, ikinakasa na sa Valenzuela

Pamamahagi ng libreng school supplies at uniforms sa mga public school students, ikinakasa na sa Valenzuela

ISINASAPINAL na lang pero handa na umano ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Valenzuela sa isasagawang pamamahagi ng libreng mga gamit pang-eskwela sa mga estudyante ng pampublikong paaralan sa kanilang lungsod.

Pero hindi lamang libreng bag at school supplies ang ibibigay sa mga mag-aaral dahil bibigyan din ang mga estudyante ng mga libreng school uniform.

Layunin ng pamamahagi ng mga libreng school supplies at uniform para sa estudyante na makatulong sa mga mag-aaral at para iwas gastos naman sa mga magulang.

Bawat mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 ay bibigyan ng tig-dalawang sets ng school uniform at Balik Eskwela Kit.

Paalala ng lokal na pamahalaan na abangan na lang ng mga magulang at estudyante sa official Facebook page ng Valenzuela City kung kailan ang petsa, oras at lugar na pagdarausan ng pamamahagi ng naturang mga gamit sa eskwela.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble