Panghihimasok ng US troops sa Davao City, nakakabahala—political commentator

Panghihimasok ng US troops sa Davao City, nakakabahala—political commentator

AYON sa isang political commentator, nakakabahala ang pagdagsa ng mga Amerikanong sundalo sa Davao City lalo’t wala namang gulo sa lugar.

Nakakabahala umano ang pagdagsa ng mga Amerikanong sundalo sa Davao City lalo’t wala namang gulo sa lugar. Sakali namang magkaroon ito ng operasyon, pambabastos umano ito sa soberanya ng bansa.

“Nangyayari ngayon parang walang habas with impunity, Ka Eric. This is very disturbing, this is very alarming at talagang nakakasuka na Ka Eric. I’m very much frustrated ‘yung mga kababayan natin hindi pinapansin to,” ayon kay EB Jugalbot, Political Commentator.

Ito ang naging reaksiyon ng political commentator na si EB Jugalbot sa kasalukuyang kaganapan sa Davao City dahil sa unti-unting pagdami ng mga Amerikanong sundalo sa lungsod. Napansin ng ilang netizen ang pagdami ng Amerikadong sundalo gayong wala naman aniyang EDCA sites sa Davao.

Ayon kay Jugalbot, nakababahala ito dahil sa mga mangyayari ngayon sa Davao City.

Noong Hunyo 10, sapilitang nilusob at pinasok ng mga kapulisan ang mga religious compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) bitbit ang matataas na kalibre ng baril at elite force para isilbi ang warrant of arrest laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy na may kinakaharap ding kaso sa Estados Unidos.

Aniya, posibleng hindi lamang rendition o pag-kidnap sa butihing pastor ang pakay ng pagdami ng Amerikanong sundalo sa siyudad.

“I would even venture to say in this in public, matamaan na kung sino matamaan diyan ka Eric, I would like to connect it to the impending ICC warrant that maybe issued in a matter of time to the sitting Vice President Sara Duterte, ni [former] PRRD at kung sino-sino pa, kasi why would the US government send their special forces,” ani Jugalbot.

Binigyan-linaw rin ni Jugalbot na ‘di pangkaraniwang UAV drone ang ginagamit sa airspace ng Davao City, partikular na sa mga KOJC compound na siyang nagpapatibay sa tumitinding operasyon ng Estados Unidos sa lungsod.

“Ito ay ang reaper drone M9A, reaper drone. Ito ay halos singlaki na to ng single sit aircraft, malalaki na to kaya unmanned kasi nasa loob niyan ay iba’t ibang klase ng leading edge, cutting edge technologies from surveillance imaging audio capture and everything else but to connect it to foreign intervention. Itong mga drones na ito ay highly classified at ang operators niyan ay highly trained and well drones like these flown you do not assign it to somebody without proper top-secret clearance,” saad pa nito.

Pagkakaroon ng operasyon ng US troops sa Davao City, labag sa batas—political commentator

Sa isang video ay makikita rin ang mga US troops na malalaking tao na kung ituring pa ni Jugalbot ay ‘di ordinaryong sundalo sa Amerika, bagkus ito ‘yung mga uri ng sundalong ginagamit sa mga classified operations ng Navy seal.

“US troops and these are not just ordinary troops, ‘yung ordinary service man ng America, hindi mo mapapansin ang laki ng katawan. These are images of people that I think green beret or the US Navy seal, now the US Navy seal are actually the ones who are in charge of these drones, theses drones have been use in drone attacks in Pakistan, in Iran, bakit nandito ‘yan sa Pilipinas, bakit nandiyan ‘yan sa Davao?” giit pa ni Jugalbot.

Para kay Jugalbot, labag sa batas ang mga ginagawang panghihimasok ng mga sundalong Amerikano sa Davao City.

“It’s not just unlawful, it is unconstitutional, it is undermining the sovereignty of the Philippines. This is actually an impeachable offense, if you look at the provisions on impeachment, betrayal of public trust, letting run a military and intelligence operation in your own land and beside the airport,” dagdag pa nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble