Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Taiwan, ibibigay ang isang buwang sahod sa Turkiye

Pangulo at Pangalawang Pangulo ng Taiwan, ibibigay ang isang buwang sahod sa Turkiye

MAGBIBIGAY donasyon sa Turkiye katumbas ng kanilang isang buwang sahod ang Taiwanese president na si Tsai Ing-Wen at ang vice president nitong si William Lai.

Ninanais nilang makakatulong ito sa mga apektado ng matinding paglindol sa Turkiye.

Maliban pa dito ay nauna na rin ang gobyerno ng Taiwan sa pagbibigay ng 2 million dollars na disaster relief at dalawang rescue teams papuntang Turkiye.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagbigay donasyon ang dalawa.

Noong nakaraang taon ay nakatanggap din ang Ukraine ng donasyon katumbas din ng isang buwang sahod nina Tsai at Lai.

Follow SMNI NEWS in Twitter