Pangulong Duterte, nangakong bubuksan ang ekonomiya ng bansa ilang linggo mula ngayon sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ilang linggo simula ngayon ay posibleng buksang muli ang ekonomiya ng bansa.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati kahapon sa inagurasyon ng bagong Airport sa Port Operations Building (POB) sa Port of Dumaguete City, Negros Oriental kahapon March 11, 2021.
Ayon sa pangulo, hindi magpapatuloy na isailalim ang bansa sa mahigpit na protocols dahil nagugutom ang tao at kailangang magtrabaho para makakain at mabuhay.
Giit ng pangulo, nagbigay na ito ng ilang linggong timetable bago muling buksan ang ekonomiya.
Ito ay sa kabila ng pagkakatala ng bansa ng pinakamataas na bilang ng daily cases kahapon na umabot sa 3,749.