Pasasalamat bumuhos sa sunod-sunod na pamaskong handog ni Pastor Apollo C. Quiboloy

BUHOS ang pasasalamat sa lahat ng mga kaanak ng mga manggagawa ng Bansang Kaharian kay Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ, Pastor Apollo Quiboloy sa sunod-sunod na pamaskong handog ng butihing Pastor sa kanila.

Walang katumbas na saya ang naidudulot na makitang masagana at payapa ang iyong mga mahal sa buhay ngayong Kapaskuhan kaya naman nais ni Pastor Apollo na ang bawat pamilya ng mga manggagawa sa Bansang Kaharian ay may maihahain sa hapag ngayong noche buena.

Alam ni Pastor Apollo na bahagi na sa kultura nating mga Pilipino ang makasama ang ating pamilya sa araw ng Pasko.

Pero dahil sa pandemya maraming pamilya ang nahiwalay sa kanilang mga mahal sa buhay lalo na at maraming mga biyahe ang apektado at naging limitado.

Pastor Apollo pamaskong handog

Kaya naman ngayong Kapaskuhan nais ni Pastor Apollo na kahit nasa gitna pa rin ng pandemya ang bansa ay maibsan ang anumang pinagdadaanan ng mga kaanak ng mga manggagawa sa Bansang Kaharian.

Kaya naman sagot ng butihin Pastor ang noche buena pati na ang bigas na kakainin ng pamilya sa mga susunod na linggo.

Taos puso naman ang pasasalamat ng mga kaanak ng nakatanggap ng biyaya mula kay Pastor Apollo.

Hindi naman maitago ni Christina Bernardo ang kaniyang pasasalamat kay Pastor Apollo.

Ang kaniyang ama na si Tatay Armando Pineda ay nasa isang dekada na ring nasa paglilingkod bilang isang manggagawa ng bansang kaharian.

Para kay Christina, hindi aniya matatawaran ang pag-aalaga ang ginagawa ng Bansang Kaharian sa kaniyang ama.

Hindi naman maitago ng mga kaanak ang kanilang pasasalamat kay pastor gaya na lamang ni  Emelita Borlagdatan na matagal nang naglilingkod sa Kaharian ang kaniyang mga anak na sina Lester na nasa Estados Unidos, pati na rin sina Mark at Ken na nasa Davao ay maraming taon naring naglilingkod bilang full time workers.

Pastor Apollo pamaskong handog

Maging si Nanay Leah Pelenio at ang kaniyang pamilya ay isa rin sa matatagal nang naglilingkod sa Bansang Kaharian ay taos pusong nagpaabot ng kaniyang pasasalamat sa hinirang na Anak ng Diyos.

Hindi naman inaasahan ni Jose Mempin sa regalo na kaniyang natanggap ngayong malapit na ang Kapaskuhan.

Si Tatay Jose at ama ni Joana Mempin na matagal nang mangaggawa nasa Estados Unidos.

Pastor Apollo pamaskong handog

Hindi maitago ni Timoteo Buscagan ang kaniyang taos pusong pasasalamat na sa maraming taon ng kaniyang paglilingkod at ng dalawang anak nito na mangagagawa na sina Manny, Lui at Timmy ay nabiyayaan sila ngayong magpapasko

Para naman kay Adeliza Torres na kapatid ni Dang na tatlong dekada nang manggagawa sa Bansang Kaharian ay itinuturing na isang malaking prebelihiyo na magkaroon ng isang kapatid na full time worker ni Pastor Apollo.

Isa din sa nakatanggap ng pamaskong handog mula kay Pastor Apollo si Rienne May Cruz ang nakababatang kapatid ni Bettina Roces na administrator ng Kingdom of Jesus Christ sa Estados Unidos.

Binigyang diin din ni Rienne na anumang negatibong balita laban sa butihing Pastor ay hindi makahadlang sa kaniyang paniniwala at suporta sa hinirang na anak ng Diyos.

Samantala hindi naman makapaniwala si Jason Uy, nakatatandang kapatid ni Ruth at Stephanie Ibarra ang natanggap na pamasko sa kaniya ng kaniyang pamilya mula kay Pastor Apollo.

Ngayon araw ay magpapatuloy ang pamamahagi ng noche buena packs ni Pastor Apollo partikular na sa Taguig at Parañaque.

SMNI NEWS