KANSELADO ngayon ang pasok sa primary at secondary level sa pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Pilar lalawigan ng Abra.
Batay sa inilabas na EO No. 27 series of 2024 ng Office of the Municipal Mayor ng nasabing bayan, kinansela nila ang pasok sa mga paaralan dahil sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng militar at ng Communist Terrorist Groups (CTGs) na CPP-NPA-NDF sa naturang lugar.
Batay sa ulat, mag-aalas dose ng tanghali, kahapon araw ng Martes habang nagsasagawa ng military operation ang tropa ng 50th Infantry Battalion ng Philippine Army ay nakasagupa nila ang teroristang grupo sa kabisera ng Brgy. Nagcanasan Pilar Abra at Babalasioan Sta. Maria Ilocos Sur.
Kaya upang maging ligtas ang mga mag-aaral ay minarapat ng lokal na pamahalaan ng Pilar, Abra na kanselahin ang pasok.
Habang sinisikap pa ng SMNI News na makuha ang panig ng 5th Infantry Division ng Philippine Army kaugnay sa pangyayari.