KINUWESTYON ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang pahayag ni climate change activist Greta Thunberg matapos nitong punahin ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa isang pagtitipon ng mga raliyista noong Miyerkules sa isang programa na isinagawa sa University of the Philippines Diliman Campus, ipinalabas nila ang isang video kung saan sinabi ng 19-year-old climate activist na walang magyayaring climate justice sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos.
Sinabi ni Thunberg na nakikiisa siya sa mga biktima ng Martial Law at mga human rights defenders na naghahangad ng democratic rights at climate justice.
Kasama ni Thunberg si Alde Nilsson, isa ring climate activist na sinabing hindi makakamit ang climate justice sa ilalim ng pamumuno ng mga pasistang lider.
Samantala, sa programang Spotlight, kinuwestiyon ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang mga climate activists kung papaano naging pasista ang administrasyong Marcos gayong majority ng mga mamamayang Pilipino ang siyang namimili at bumuboto ng mga pulitikong kanilang nais na maglingkod para sa bansa.
“These are leftists. They are communists also. So, what do we expect from them? And they call the administration ‘fascist’. You can make an accusation like that but how did we become facist? We are a democratic country, we elected our own president, vice president, senators, congressmen, mayors, governors and councilors in a democratic system of government. How can that be fascist?” pahayag ni Pastor Apollo.
Hinikayat din ng butihing Pastor na patunayan ang kanilang mga akusasyon.
“When you make an accusation like that, prove something about what you have accused us for like you said, the administration of Marcos is fascist. How did we become fascist?” ayon sa butihing Pastor.
Sa huli ay sinabi ni Pastor Apollo na pinupuna lamang nila ang administrasyon para mapabilib ang mga tao ngunit walang tunay na kahulugan o halaga ang kanilang mga kritisismo.
Sinabi rin ng butihing Pastor na hindi dapat makialam ang mga banyagang tulad ni Thunberg sa pulitika ng Pilipinas.
“So easy to say, “climate justice cannot be achieved under fascism.” How? How-how de carabao. You’re just mouthing hot air so that you can just say something and be quoted Greta Thunberg, if you are not a Filipino, Sass Rogando Sassot said, I am together with her, don’t meddle in our own politics here,” ayon pa ni Pastor Apollo.