Pastor ACQ sa Kamara: Magpakatotoo kayo sa bayan

Pastor ACQ sa Kamara: Magpakatotoo kayo sa bayan

NANAWAGAN si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa kaniyang programang Spotlight na maging totoo sa taumbayan ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ito ay kasunod ng pagkakatanggal sa puwesto kina dating Pangulo at ngayo’y  Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at Davao City Rep. Isidro Ungab mula sa pagiging Deputy Speaker ng Kamara matapos na hindi pumirma sa House Resolution 1414 na nagsasaad ng pagkakaisa bilang suporta ng mga mambabatas kay Speaker Martin Romualdez.

Matatandaan na kamakailan ay ipinanawagan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na buksan ng Kamara ang book of accounts nito upang makita ng publiko ang transparency sa pondo na inilalabas ng institusyon.

Para kay Pastor Apollo, nakasaad naman ito sa Konstitusyon, ang freedom of information kaya marapat lamang na magpakatotoo sa taumbayan ang Kamara.

“Maraming opinyon ang nagsilabasan pero at least itong dalawa nakapagbigay na ng positive statements, sa pagkakaalam ko sa aking opinyon dahil dito nangyari ‘yung interview sa SMNI—-basta pulitiko ka you should not be onion skinned-  for the freedom of information—hindi talaga rotten and corrupt,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Binigyang-diin ni Pastor Apollo na ang pagkakatawag sa Kamara bilang isang rotten institution ay matagal nang issue sa bansa kaya mabuti na ring nabuksan muli sa publiko ang usaping ito upang mapatunayan ng mga mambabatas sa taumbayan na totoo ang kanilang hangarin na magserbisyo sa mga Pilipino.

“So ngayon ang tamang panahon na——blessing in disguise,” ani Pastor Apollo.

Ani Pastor Apollo, dapat ay dinedepensahan ng mga mambabatas ay ang institusyon at hindi ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng malinaw na pagbibigay ng audit ng pondo na nalikom mula sa buwis ng taumbayan.

“You are putting yourselves together to defend yourselves—–knowledge of the audit,” ayon pa sa butihing Pastor.

Panawagang maging ‘transparent’ ang Kamara, hindi pagsira sa institusyon kundi pagsuporta rito—Pastor ACQ

Samantala, ayon kay Pastor Apollo, iba ang dating ng House Resolution 1414 sa taumbayan dahil hindi naman pag-destabilize o pagsira sa institusyon ang hiling ng publiko sa transparency ng book of accounts ng Kamara.

Ang tunay aniyang sumisira sa integridad ng institusyon ng Mababang Kapulungan ay ang mga makakaliwang grupo.

Dahil ang mga ito aniya ang nagsusulong ng kasiraan ng gobyerno.

“Hindi po destabilizing efforts—-tapos ang istorya,” saad pa ni Pastor Apollo.

Matatandaan na kamakailan ay nagbitiw rin sa partido ng PDP Laban si Rep. Dong Gonzales matapos na pangalanan si dating Pangulong Duterte bilang banta sa integridad ng Kamara.

Follow SMNI NEWS on Twitter