NANINIWALA ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na hindi dapat sumipa sa mataas na presyo ang kada kilo ng sibuyas sa merkado.
Ayon kay SINAG President Engr. Rosendo So, masyadong mataas ang presyo nito kumpara sa farmgate price.
Hindi rin dapat aniyang masyadong mataas ang presyo nito lalo’t may darating na 2,000 metric tons na pulang sibuyas at 1,000 metric tons na puti sa mga susunod na linggo.
Bukod diyan, nalalapit na rin aniya ang anihan ng sibuyas.
“Medyo sobrang mataas kasi ang farmgate na sa P105 to P210 lang kaya nagtataka tayo bakit sumipa ng ganon ka taas. pati ang puti, nasa P50-55 lang ang farmgate, dapat ang retail ang tingin natin, sa P90 lang ang puti, ang pula dapat sa P160-170. So dapat hindi sumipa ng ganun kataas and expected natin, end of the month mas malaki na ang aanihin. So expected lalong bababa pa ang presyo,” ayon kay Engr. Rosendo So.