Patrolya sa Philippine Rise, pinangunahan ng Joint Task Force Karagatan ng Armed Forces of the Philippines

Patrolya sa Philippine Rise, pinangunahan ng Joint Task Force Karagatan ng Armed Forces of the Philippines

PINANGUNAHAN ng Joint Task Force Karagatan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang patrolya sa Philippine Rise, araw ng Miyerkules, June 21, 2023.

Gamit ang BRP Condrado Yap (PS39) at C-90 Aircraft ng Philippine Navy at FA50 ng Philippine Air Force, tinungo nila ang lugar bilang tugon sa pagtitiyak na nababantayan ng maayos Maritime Domain ng Pilipinas.

Sa ilalim ng kumpas ng North Luzon Command, patuloy na tinitiyak nito ang kanilang mandato na walang maaagrabyadong pag-aari ng bansa.

Isang taimtim na Flag Raising Ceremony rin ang isinagawa sa loob ng Philippine Navy Warship bilang simbolo ng kalayaan ng bansa kasabay ng paggunita ng ika-125 Araw ng Kalayaan ng kasarinlan ng Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter