PBBM, iniutos ang pag-inspeksyon sa smuggled onions bago ilabas sa mga merkado

PBBM, iniutos ang pag-inspeksyon sa smuggled onions bago ilabas sa mga merkado

IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsagawa ng phytosanitary inspection sa smuggled onions upang matiyak na ligtas itong ikonsumo bago ilabas sa mga merkado.

Sa ginanap na Cabinet meeting, umaga ng martes, sinabi ni Pangulong Marcos na andaming nasabat na smuggled onions na nais nitong mailabas sa merkado.

Subalit ani Marcos, hindi siya nakatitiyak sa sources ng mga naturang sibuyas kaya nais niyang ma-inspeksyon ang mga ito.

Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo ang pangangailangang mag-tap ng third-party inspectors upang magsagawa ng phytosanitary inspection upang suriin ang transboundary diseases.

Kung maalala, ilan sa mga nakumpiskang sibuyas ay hindi angkop para sa ‘human consumption’ base sa mga nakaraang inspeksyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter