NAGPAHAYAG ng pakikiramay at simpatiya si Pangulong Bongbong Marcos sa pamilya ng ikatlong Pilipinong napatay sa Israel-Hamas conflict.
Sa isang tawag sa telepono sa kapatid ng biktima noong Linggo, personal na nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Marcos.
Kasunod ng pagkapatay kay Loreta “Lorie” Villarin Alacre, 49-anyos na nanilbihang caregiver sa Israel.
Tiniyak naman ni PBBM ang tulong para sa naulilang pamilya gayundin ang agarang pagpapauwi sa bansa ng mga labi ni Lorie.