PBBM, nasa Washington na para sa kaniyang official visit sa US

PBBM, nasa Washington na para sa kaniyang official visit sa US

DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Washington, D.C., USA para sa kaniyang opisyal na pagbisita sa naturang bansa.

Sinalubong ni House Speaker Martin Romualdez sina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos sa kanilang pagdating sa Joint Base Andrews Military Facility sa Estados Unidos, hapon ng Linggo (USA time).

Bago tumulak ng US, nagbigay muna ng kaniyang departure message si Pangulong Marcos sa Villamor Airbase, Pasay City nitong Abril 30 (Philippine time).

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Pangulong Marcos na ang kaniyang misyon sa pagbisita sa US ay ang patatagin ang ugnayan sa naturang bansa.

Ito ay sa iba’t ibang larangan tulad ng food security, digital economy, energy security, at climate change.

“During this visit, we will reaffirm our commitment to fostering our long-standing alliance as an instrument of peace and as a catalyst of development in the Asia-Pacific region and for that matter the rest of the world,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sinabi ni Pangulong Marcos na inaasahan din na mapalakas ang partnership ng US at Pilipinas pagdating sa semiconductor industry, critical minerals, renewable at clean energy kasama rin sa nuclear at infrastructure projects.

Bukod dito, inaasahan din aniya na magpapahusay ang digital at telecommunication systems at mapabibilis ang sustainability efforts para tugunan ang climate change.

Samantala, nakatakda ring makipagkita si Pangulong Marcos sa American business leaders para mas ma-promote pa ang trade at investment opportunities ng Pilipinas.

Sa roundtable meetings, sasamahan si Pangulong Marcos ng kaniyang economic team pati ng key Filipino private sector leaders para mag-explore ng business opportunities na makatulong na mapalago pa ang ekonomiya ng bansa.

Habang nasa US, ay magkakaroon din ng meet and greet si Pangulong Marcos sa Filipino community na naninirahan at nagtatrabaho roon.

Follow SMNI NEWS in Twitter