Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pinangunahan ang paghahanda para hosting ng ASEAN Summit
Pinangunahan ni PBBM ang isang pulong sa Malacañang kasama ang mga mataas na opisyal ng pamahalaan.
Ang pulong ay bahagi ng paghahanda ng bansa para sa nalalapit na 48th ASEAN Summit and related meetings na gaganapin mula Mayo 6 hanggang 8, 2026.
Tinalakay rin ang mga pangunahing hakbang at prayoridad ng Pilipinas bilang chair ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Kabilang sa mga binigyang-diin ang pagpapalakas ng energy security, pagtitiyak ng food security, at ang proteksyon sa mga mamamayan ng ASEAN.
Ipinunto rin ang kahalagahan ng whole-of-government approach upang matiyak ang maayos, magkakaugnay, at epektibong implementasyon ng mga programa at polisiya ng bansa sa panahon ng chairmanship nito.
