PBBM, walang nakikitang problema sa ‘Barbie’ movie

PBBM, walang nakikitang problema sa ‘Barbie’ movie

WALANG nakikitang problema si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa pagpayag na ipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang commercial release ng upcoming movie na “Barbie”.

Pahayag ito ng Pangulo sa isang ambush interview sa Northern Samar nitong Biyernes.

Ito’y matapos lumabas ang ilang concerns sa diumano’y paglalarawan ng isang mapa na nagpapakita ng umano’y pag-aangkin ng China ng teritoryo sa South China Sea sa pamamagitan ng tinatawag na nine-dash line.

Pahayag pa ni Pangulong Marcos patungkol sa pelikula, “It’s a work of fiction.”

“Maganda raw eh, sabi nila….Siyempre, ‘yung sinasabi nila ‘yung kasama doon sa ‘yung boundary line na ginawa. Ang sagot ko doon, what do you expect? It’s a work of fiction,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Matatandaang inaprubahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang upcoming movie ng Warner Bros na “Barbie,” na nagpapahintulot sa commercial release nito sa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS on Twitter