MAY mga bagong new land mobility assets ang Philippine Coast Guard (PCG).
Ngayong araw, pinangunahan ni PCG Commandant, CH Admiral Artemio Abu ang turnover at blessing ceremony ng 31 new land mobility assets sa National Headquarters, Port Area, Manila.
Ang mga bagong biling assets ay gagamitin ng iba’t ibang staff offices, major commands, units, at coast guard districts upang dagdagan ang pagganap ng kani-kanilang mga tungkulin.