PCG, naka-heightened alert para sa SONA ni PBBM at sa Bagyong Egay

PCG, naka-heightened alert para sa SONA ni PBBM at sa Bagyong Egay

NAKA-heightened alert ang status ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ngayong araw, Hulyo 24.

Nakataas ang alert status na ito sa National Capital Region, Central Luzon, Northeastern at Northwestern Luzon, Southern Tagalog at Bicol.

Kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ay magpapakalat din ang PCG ng mga security personnel, K9 units at medical teams lalong-lalo na sa kritikal na lugar sa NCR.

Maliban sa SONA ay nakahanda rin ang deployable response groups (DRGs) ng PCG para sa mga probinsyang dadaanan ng Tropical Storm Egay para agarang maisagawa ang evacuation o rescue operations kung kinakailangan.

Ang Tropical Storm Egay ay inaasahang maging supertyphoon ngayong araw o bukas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter