Peace and Order at Disaster Management and Response sa Taguig City, pinalakas sa unang 100 araw ng administrasyon

Peace and Order at Disaster Management and Response sa Taguig City, pinalakas sa unang 100 araw ng administrasyon

MAS pinalakas ang Peace and Order at Disaster Management and Response sa Taguig City sa unang 100 araw ng administrasyon ni Mayor Lani Cayetano.

Ayon sa Taguig LGU, bahagi sa pagpapaigting nila sa peace and order ay ang pagpapailaw ng maraming madidilim na kalsada at eskinita sa 28 barangays.

Pinarami rin ayon sa lokal na pamahalaan ang kanilang drug testing at tinanggal ang mga kawaning nagpositibo sa droga.

Nagsagawa ng mga inspeksyon at nagdeklara ng calamity danger zones ang Taguig LGU.

Tinipon naman ng LGU ang Peace and Order Council at tinalakay ang mga hakbang para itaguyod ang seguridad ng lungsod.

Samantala, binigyan ang mga tanod ng Taguig ng karagdagang kakayahan sa Basic Patrol Operations, Arrest, Search and Seizure, at Crisis Management upang lalo silang maging epektibo sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Follow SMNI NEWS in Twitter