Petisyon para hindi na gamitin ang Smartmatic sa 2025 elections, inihain

Petisyon para hindi na gamitin ang Smartmatic sa 2025 elections, inihain

INIHAIN na sa Commission on Elections (COMELEC) ang petisyon upang madiskwalipika ang Smartmatic Philippines mula sa bidding para sa 2025 midterm elections.

Nakasaad sa petisyon na imbestigahan ng COMELEC ang umano’y kwalipikasyon ng Smartmatic Philippines bilang bidder.

Ito’y dahil bigo ang Smartmatic na ma-comply ang ilang mga bagay na siyang nagreresulta para sa mga iregularidad.

Ipinupunto rin nito ang iregularidad sa transmisyon at resibo ng election returns mula sa precinct level papuntang transparency server ng COMELEC noong 2022 national elections.

Sina dating Information and Communications Technology Sec. Eliseo Rio Jr., dating COMELEC Commissioner Augusto Lagman, dating presidente ng Financial Executives Institute of the Philippines Franklin Ysaac, at retired Colonel Leonardo Odoño ang naghain ng petisyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter