Petro Gazz, winalis ang F2 Logistics sa loob ng 3 sets

Petro Gazz, winalis ang F2 Logistics sa loob ng 3 sets

WINALIS ng Petro Gazz sa loob ng tatlong set ang F2 Logistics sa nagpapatuloy na Premier Volleyball League All Filipino Conference na nagtapos sa iskor na 25-23,25-13,at 25-23 sa PhilSports Arena sa Pasig.

Pinangunahan nila MJ Philipps at Jonah Sabete ang panalo ng Petro Gazz Angels na parehong nakapagtala ng 13 points.

Sinundan naman ito nila Aiza Pontilla at Grentel Soltones na nakapag-ambag ng 11 at 10 points.

Matapos ang panalong ito, mayroon nang 3-2 win-loss record ang Petro Gazz kapantay ang Cherry Tigo sa ika-apat na puwesto habang ang F2 Logistics naman ay may 4-2 record.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter