Petsa sa pagsusumite ng kandidatura para sa BSKE, inilabas ng COMELEC

Petsa sa pagsusumite ng kandidatura para sa BSKE, inilabas ng COMELEC

ITINAKDA sa July 3-7 ang filing period para sa paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa gagawing Brgy. at SK Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Ito ay batay sa Resolution No. 10899 na inilabas ng Commission on Elections (COMELEC).

Ang panahon ng kampanya ay itinakda naman mula October 19-28.

Anumang campaign activities mula July 8 hanggang October 18 ay ipinagbabawal ng komisyon.

Ang botohan para sa BSKE sa Oktubre 30 ay magsisimula 7am-3pm.

Ang pagbibilang at canvassing ng mga boto kasama na proklamasyon ng mga nanalong kandidato ay kaagad na idadaos pagkatapos ng pagsasara ng botohan.

Follow SMNI NEWS in Twitter