PH Navy chief, nagpahayag ng kumpiyansa sa bagong commandant ng marines

PH Navy chief, nagpahayag ng kumpiyansa sa bagong commandant ng marines

NAG-courtesy call si Philippine Marine Corps Commandant Major General Arturo Rojas sa Philippine Navy headquarters sa Maynila.

Mainit siyang sinalubong ni Philippine Navy Flag-Officer-In-Command Vice Admiral Toribio Adaci, Jr. at ilang opisyal ng Philippine Navy.

Kasabay nito, binati ni Adaci si Rojas sa pagkakatalaga bilang ika-36 Commandant ng Philippine Marines at ipinahayag nito ang kaniyang tiwala sa kakayahan at karanasan ng bagong opisyal.

Si Rojas ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Bigkis-Lahi” Class of 1990 at dating nagsilbing commander ng 2nd Marine Brigade.

Huling tungkulin na ginampanan ni Rojas sa Philippine Navy ay bilang direktor ng Center for Naval Leadership and Excellence (CNLE) noong Agosto 2017 hanggang Nobyembre 2019.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter